Klase sa Marilao, Meycauayan City suspendido pa rin

By

Suspendido pa din hanggang kahapon ang klase sa lahat ng antas ng eskuwelahan sa bayan ng Marilao at Malolos City, kapwa sa Bulacan bunga ng bahang dala ng bagyong Maring ngunit inaasahang babalik na sa normal ang pasok ngayong araw.

Ayon sa tanggapan ni Liz Mungcal, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Malolos City, unti-unti nang humuhupa ang lahat ng tubig-bahang nanalasa sa sampung Barangay sa Marilao at Meycauayan City at normal na din ang kalagayan ng Mac-Arthur Highway.

Nakumpirmang hindi gaanong naapektuhan ng bagyo ang lalawigan ng Bulacan bagamat ang napuruhan ay ang bayan ng Marilao at Meycauayan City nang sumabay ang high tide kaya kanselado pa din ang klase hanggang kahapon at inaasahang balik na sa normal ang pasok sa eskuwelahan ngayong araw ng Huwebes. 

SHARE