Una sa Balita

Klase sa Cebu, suspendido sa ‘bad spirit’

0 2

Sinuspinde hanggang ngayong araw ang pasok sa paaralan ng mga estudyante ng Jagobiao National High School sa Mandaue, Cebu, dahil sa patuloy umanong pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng sinasapian ng masamang espiritu.

Nagpasya ang pamunuan ng Mandaue City Assistant Division school sa pamumuno ni Superintendent Estella Susvilla, na ikansela ang klase simula kahapon hanggang ngayong Biyernes dahil umabot na sa mahigit 20 ang mga estudyante na umano’y nasapian ng bad spirit.

Kahapon naman ay tatlong pari na ang nagtungo sa paaralan at nagsagawa ng misa para tignan ang kondisyon ng mga batang sinasabing sinapian.

Sa kalagitnaan ng misa, nadagdagan pa ang bilang ng mga estudyanteng sinaniban.

Pawang mga naglalakihan ang mga boses, nanlilisik ang mga mata at malalakas ang puwersa ng mga batang sinaniban. Gayunman, sinabi ni Susvilla na isasailalim sa pychological assessment ang mga estudyanteng sinaniban. (Betchai Julian)