Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kiyomi laglag sa Asian Judo

0 37

KINAPOS ang isa sa mga Olympic hopeful ng bansa na si Kiyomi Watanabe nang mabigo sa 2021 Asian Senior Judo Championships, Miyerkoles ng gabi sa Bishkek, Kyrgyzstan.

Ang 24-anyos na Filipino-Japanese, na asam makumpleto ang kanyang silya sa Tokyo Olympics, ay nakasagupa si Cho Mokhee ng South Korea sa mahigpitang laro kung saan walang nakaiskor matapos ang apat na minutong laban para sa bronze medal match ng women’s minus-63 kilogram division.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunman, napuwersa si Watanabe na maging agresibo matapos nitong mapuwersa sa ikalawang shido at nagtabla dito sa kalabang Korean.

Dito na nagawa ni Cho ang importanteng ouchi garish throw para sa ippon at makasiguro sa bronze medal. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.