Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kiyomi kinapos sa Judo meet

0 16

Nabigo din ang 2018 Asian Games silver at four-time Southeast Asian Games gold medalist na si Kiyomi Watanabe sa ikalawang round ng 2021 World Judo Senior Championship sa Budapest, Hungary.

Kinapos ang 24-anyos na si Watanabe na maagaw ang panalo sa women’s -63kgs kontra Alexia Castilhos ng Brazil matapos na malasap ang 0-1 kabiguan sa Round of 32.

Related Posts

Inaasahan na mapapanatili ni Watanae ang pangunguna sa Asian Classification at inaasahang makakasungkit ng silya para sa Tokyo Olympics hanggang sa opisyal na paghahayag ng mga magkukuwalipikang judoka..

Una nang Nabigo sa torneo ang kambal na Filipino-Japanese na sina Keisei at Shugen Nakano. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.