Una sa Balita

Kiyomi kasado sa IJF World Masters

By
0 80

Makikipagbalibagan ang Fil-Japanese na si Kiyomi Watanabe sa International Judo Federation World Masters bilang parte sa isinasagawang kuwalipikasyon sa posibleng pagbabalik niya sa Olympics sa pagdayo sa St. Petersberg, Russia sa Disyembre 16-17.

Sinabi ni Philippine Judo Federation president David Carter na inimbitahan nitong Lunes ng IJF si 2017 SEA Games gold medalist Watanabe upang lumahok sa dibisyon niyang women’s 63 kg.

“By invitation only lang ang tournament and we wanted to maintain and upgrade her ranking as much as high that she could get para mas maaga niyang mapapaghandaan ang mga kalaban pagda­ting na 2020 Tokyo Summer Olympic Games,” ani Carter.

Tanging ang top 16 lamang sa mundo ang binibigyan ng imbitasyon para sa IJF sanctioned na torneo.

Kasalukuyang nasa ika-22 puwesto sa mundo ang ipinanganak sa Cebu subalit nakabase na sa Japan na si Watanabe na magtatangkang muling makapagkuwalipika sa kada apat na taong Olimpiada.

Ipinaliwanag naman ni PSC commissioner Ramon Fernandez na agad nilang tinulungan ang back-to-back SEA Games gold medalist na si Watanabe para makakuha ng visa sa pagtungo at pagsabak sa torneo.

“She can earn as much as 200 ranking points sa pag-participate pa lamang. But since matagal pa bago isagawa ang Olympics ay puwede niyang mapataas ang rankings niya kaya importante na makasali siya,” bigkas ni Fernandez. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy