Una sa Balita

Kiwirose babantayan

0 366

WALONG batang kabayo ang magtatagisan ng bilis sa Three-Year-Old Group Race na aarangkada sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City sa Batangas ngayong araw.

Markado sa nasabing karera sina I Love Ninetyseven at Birthright pero inaasahang magiging mahigpit nilang karibal ang magkakam­ping sina Prime Time Magic at Adobo Country at dehadong Kiwirose.

“Magandang laban iyan, siguradong bakbakan iyan hanggang sa meta, basta ako pag-aaralan ko muna bago ako pumili ng tatayaan,” masayang sabi ni Rodelio Calantes, karerista na taga-Sta. Mesa.

Bukod sa nabanggit na mga kabayo, ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) ay sina Tahiran Island, Sarangani island at Red White And Blue.

Rerendahan ni class A rider Kelvin Abobo si I Love Ninetyseven sa karerang may distan­syang 1,400 metro.

Para kay Abobo, mahirap ang karera na kanilang sasabakan dahil may mga galing din ang kanilang mga kalaban. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More