Una sa Balita

Kiwirose astig sa Maiden race

0 343

IPINAKITA ni Kiwirose ang kanyang husay matapos manalo ng dehado sa Two-Year-Old Maiden Race Biyernes ng gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City sa Batangas.

Nanood muna sa bandang likuran sa largahan si Kiwirose na sinakyan ni class B rider MB Pilapil at saka kumuha ng unahan papasok ng far turn.

Mula duon ay hindi na binitawan ng winning horse ang bandera at tumuloy na ito hanggang sa meta.

“Magaling na kabayo kita mo sa hakbang may future,” patungkol ni veteran karerista Dennis Tolentino kay Kiwirose.

Nirehistro ni Kiwirose ang 1:12.8 minuto sa 1,200-meter race sapat upang hamigin ng kanyang owner ang karagdagang P10,000 na premyo mula sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Sumegundo si Buccasgrande Island habang tumersero si outstanding favorite Kampilan. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy