Una sa Balita

Kita ni Anne sa makeup itutulong sa mga hayop sa Batangas

0 309

Super-layo man ni Anne Curtis ngayon sa Taal volcano, dahil kasalukuyan nga siyang nasa Australia at naghihintay sa kanyang panganganak sa Pebrero, pero hindi niya nakakalimutang magbigay ng tulong sa mga biktima.

Bukod sa pagtulong sa mga taong nasalanta, ang mga hayop nga ang isinaisip ni Anne na bigyang-halaga.

“Let’s help save Taal’s animals,” sabi ni Anne sa kanyang Instagram story.

Sa pakikipagtulungan ng ng BLK cosmetics (ini-endorse ni Anne) at ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society) ay nabuo ang hangarin na tulungan ang mga hayop na biktima ng pagsabog ng Taal.

“BLK cosmetics has always been cruelty-free, putting priority in providing quality makeup without harming our furry friends.

“Proceeds of BLK January sales will be donated to PAWS to assist our furry friends affected by the current events in Talla Volcano,” ang mababasa pa rin sa IG story ni Anne.

Aba, malaking bagay ito, ha! Malaki nga ang benta ng cosmetics na ito ni Anne, na maituturing ngang pinakamabenta rin sa panahon ngayon. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More