Una sa Balita

Kita ng Sharon, Goma, Kathryn movie ibibigay sa mga estudyante

0 565

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyMay dapat ipagpasalamat sina Sharon Cuneta, Richard Gomez, Kathryn Bernardo, at ang Star Cinema sa mag-asawang Jeanine at Rolly Policarpo.

Ang pelikulang pinagbibidahan ng tatlo na showing na ngayon na “Three Words to Forever” at dinirek ni Cathy Garcia Molina, ang napili nina Jeanine at Rolly para ipa-block screening nung Miyerkoles ng gabi sa Resorts World Cinema 2.

Puno ang sinehan sa block screening, isang maliwanag na indikasyon na nakadagdag sa box-office returns ng movie ang ginawa ng mag-asawa.

Hindi lang simpleng block screening ang ginawa nina Ms. Jeanine at Sir Rolly dahil ang magbebenepisyo ng special screening ay tuition fee ng tatlong college student na sinuportahan ng mag-asawa, sa ilalim ng Eugenio Gojo Cruz Memorial Foundation.

Ibig sabihin for a good cause ang event na ito at hindi lang para mag-entertain.

Nasa construction business sina Jeanine at Rolly bago sila nagtayo ng foundation.

Nais nilang gumalaw ang foundation kaya naman nagpapa-block screening sila ng mga pelikula.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy