Una sa Balita

Kita ng quarantine video nina Megan at Mikael idu-donate sa mga kapuspalad

0 525

Maraming netizen ang humanga sa Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young. Well, ginamit nga nila ang kanilang YouTube channel para hikayatin ang lahat na maging positibo at mag-ingat laban sa lumalaganap ngayong COVID-19 pandemic.

Bukod sa pagbibigay ng encouraging message at kaalaman ukol sa napapanahong sakit sa kanilang followers, ido-donate rin nina Mikael at Megan ang lahat ng kikitain ng kanilang video sa mga apektado at higit na nangangailangan.

Sa kanilang Vlog na ‘Life during quarantine,’ ipinasilip ng dalawa ang kanilang everyday routine habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metro Manila. Exciting naman daw ang kanilang mga araw dahil kasama rin nila sa condominium ang mga kapatid ni Mikael at aso nilang si Soba.

Natuwa naman ang mga netizens sa simple gesture ng mag-asawa pati na rin sa pagpapasilip nila ng kanilang daily routine, “Thank you for this! It’s also a good reminder for everyone that no one is exempted. Let’s all keep safe!” (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More