Una sa Balita

Kisses naiyak sa sorpresa ng mga Kapamilya

By
0 1,803

Nagulat si Kisses Delavin sa pa-birthday surprise sa kanya ng cast, staff and crew ng ginagawa niyang show ngayon sa ABS-CBN while ongoing ang tapin­g ng Play House.

Si Angelica Panganiban ang nagpasimuno ng kantahan with other cast katulad ni Smokey Manoloto na ikinabigla naman ng dating PBB housemate at sinasabing rich kid from Masbate, Masbate.

Naiyak si Kisses sa surprise na ‘yun and at the same time ay masayang-masaya siya dahil hindi niya akalain na as early as now ay may paandar na sa kanya lalo na nga’t baguhan pa lamang siya sa industriya.

Sa May 1 pa ang actual birthdate niya, so, wala siyang ini-expect na may kaganapang mangyayari. Turning 19 na siya na paganda nang paganda naman ang turn out ng kanyang TV career.

Sila nga nina Maymay Entrata ang sinasabing magiging modern-day big stars dahil sa laki ng fandom nila at sunod-sunod na ring proyekto.

Anyway, ang gustong malaman ng bayan ay kung may pa-surprise rin sa kanya ang inili-link sa kanya ngayon na si Tony Labrusca.

Well, clueless siyempre ang Kapamilya young actress, pero who knows, baka sa araw mismo ng kanyang kaarawan ay mas malaking surprise ang kanyang ma-experience, devah?

Ano rin kaya ang wish niya sa kanyang 19th birthday? Wala pa naman siyang nababanggit, pero we’re pretty sure, hindi ito tungkol sa kanyang magiging lovelife.

It seems kasi na masyado siyang focus sa kanyang karera, and after ng pain na naranasan niya kay Marco Gallo, this time ay wiser na ang isa sa pride ng Bicol, noh!

‘Yun na!

Derrick nang-aakit ng mga bading sa IG

Wala naman daw ibig patunayan si Derrick Mo­nasterio sa mga sunod-sunod niyang mga post ng kanyang kaseksihan. Meron pa ngang time na in portion niyang pino-post ang iba’t ibang parts ng kanyang bortahing katawan.

Meron sa braso, sa abs, sa kanyang butt, at mga mata o mukha lang niya.

Tapos, sinundan naman ito ng full body shots ngayon in his topless glory.

Well, in fairness ay Adonis na Adonis naman ang dating niya. Kumbaga, hindi nakakahiya na gawin man niya in sequences ito dahil isa naman siya ngayon sa most attractive young actors natin na tawag-pansin talaga ang kaseksihan.

Sabi nga sa amin ni Derrick, wala siyang intensiyon na magpaelya sa kung sino man, o hindi niya sadyang merong mga nababaliw sa kanyang mga post base sa mga private messages na natatanggap niya, dahil para sa kanya, one of those pictorials lang ‘yun for a magazine or a product endorsement.

Sabi nga kasi ng mga bading, halata na iinaakit sila ni Derrick sa mga ginagawa nito.

Natatawa rin nga siya sa nag-aakusa sa kanya na isa siyang tao who loves himself, dahil iba naman talaga ang rason niya while doing it.

Pero, pagtatanggol rin niya, walang masama na mahalin mo ang sarili mo dahil ‘yun naman talaga dapat. ‘Wag lang daw ‘yung sobra to the point na ang yabang-yabang mo na sa sarili mo. Ibang usapan daw ‘yun.

Anyway, isa pa rin sa dahilan niya ay body fitness. Gusto raw niyang ma-inspire niya ang ibang young generation to do body fitness kaysa sa ibang bisyo mapunta. At ‘yung pagiging physically fit ay regalo na rin natin sa sarili natin lalo na’t kung anik-anik na raw na sakit ang mga nagsusulputan ngayon.

Tama nga siya!