Una sa Balita

Kisses marespeto, paborito ni Mother Lily

0 382

Nang makakuwentuhan ko si Roselle Monteverde noong isang araw, masaya niyang ibinalita na masisipag ang mga fan ni Kisses Delavin.

That day kasi, may 35 block screenings na raw na naka-schedule para sa “D’Ninang” kung saan ay kasama ni Ai Ai delas Alas si Kisses.

“Ang sisipag nila. Hindi lang sila basta post nang post, nagsu-support sila sa mga project ni Kisses. ‘Yung ‘Walwal’ namin before, naka-70 block screenings sila,” sabi ni Roselle.

Actually, Dondon, hindi ko talaga nakakatsikahan pa itong si Kisses, pero sa mga kuwento ni Roselle, mabait daw talaga ito.

“Yes, she’s nice,” sabi ni Roselle at sumingit naman si Mother Lily Monteverde at sinabing, “She’s nice. So respectful. I like her!”

Wow, sabi ko kay Roselle, better kung sa first day of showing ng “D’Ninang” gagawin ang block screenings para mas bongga ang opening day gross ng pelikula.

Sabi nga pala ni Roselle, pati mga fan at friends ni Ai Ai ay may pa-block screenings din daw for “D’Ninang”, huh!

Paano kaya ang mga fan nina McCoy de Leon at Kiray Celis, aba, dapat magpa-block screenings din sila, ‘noh?!

Better kung pati ang boyfriend for one month ni Kiray, si Stephen Estopia, ay magpapa-block screening din bilang support niya sa komedyanteng girlfriend.

Agree, Dondon?! (Jun Lalin)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More