Una sa Balita

Kisses, Donny nahihiyang maglambingan

By
0 373

abante-paistaran-dondon-serminoNaikuwento ni Vice Ganda ang isang talaga namang nakakatawang blooper ni Kisses Delavin habang nagshu-shooting sila ng kanilang MMFF movie na “Fantastika, the Princesses, the Prince, the Perya” sa guesting ng dalaga at ng ka-loveteam na si Donny Pangilinan sa “Gandang Gabi Vice”.

“Nakakatawa si Kisses kasi minsan napupunta siya roon sa eksena na hindi naman dapat,” bungad ng komedyante. Tinuloy niya ang kuwento kung saan si­nang-ayunan ni Kisses ang pagda-drama ng kanilang kalaban sa pelikula na ginagampanan ni Bela Padilla.

Napasigaw daw tuloy si direk ng “Cut! Kisses, hindi ka dapat sumang-ayon.”
Sobrang gullible daw kasi ni Kisses at kaya siguro nadala sa acting ni Bela kaya kinaawaan ito kahit na magkalaban sila sa pelikula.

Pinaliwanag naman ni Donny na ganoon lang daw talaga kabait si Kisses.

Kitang-kitang bini-build up ng ABS-CBN ang DonKiss at na-bingo na yata nila ang lahat ng showbiz talk shows ng network sa mga nakalipas na araw.

Hindi naman mahirap na kiligin sa bagong love team. Nakakadagdag sa kanilang chemistry at tension ang pagiging medyo ilang pa sila, na tila ba nahihiya pa silang maging mas malam­bing sa isa’t isa kahit gusto naman nila. Sa asaran tuloy nauuwi ang kanilang lambingan – parang high school crushes lang!

Mapapanood ang DonKiss araw-araw sa “Playhouse” ng ABS-CBN.