Una sa Balita

Kisses Delavin lumayas na sa Star Magic, ABS-CBN

0 909

Isang malaking pasabog ang ginawa ni Kisses Delavin, ha! Na ‘yun na nga, na kumalas na siya sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Ang Triple A na pinamumunuan nina Direk Mike Tuviera at Rams David na nga ang magha-handle sa career ni Kisses.

Anyway, nagsimula raw ang kagustuhan ni Kisses na magpa-manage kina Rams, Direk Mike, at nu’ng makasama niya si Marian Rivera sa isang event. Tuwang-tuwa raw siya at touch na touch sa nakita niya na kung paano alagaan nina Rams si Marian.

At ‘yun na nga, matapos ang kontrata ni Kisses sa Star Magic, agad-agad silang nakipag-usapan, at heto na nga, kasama na niya sa kuwadra sina Marian at Maine Mendoza, at marami pang iba.

Pagdating sa paglabas sa GMA-7, dahil alam naman ng lahat na identified talaga ang Triple A sa Kapuso network, kaya normal lang na doon siya mapanood.

Pero, pagdating sa kontrata sa network, freelancer nga si Kisses. Na malay natin, makagawa rin siya ng pelikula na ang Star Cinema rin ang magprodyus.

Pero sa ngayon, mas malinaw pa sa sikat ng araw na sa GMA siya mapapanood. Katunayan, nasabi na ni Ram sa mga big bosses ng GMA si Kisses, ang naghahanda na lang sila ng tamang pagkakataon para iharap ang batang aktres.

Siyempre, excited si Kisses na lumabas agad-agad sa “Eat Bulaga”. At siyempre, welcome na welcome sa kanya na maging co-host siya ng “Eat Bulaga”, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy