Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kisses Delavin dedma na sa showbiz

0 193

May mga naghahanap sa dating Kapamilya na naging artist ng Triple A na si Kisses Delavin.

May natanggap kaming e-mail at nagre-request kung pwede raw ba kaming magsulat tungkol kay Kisses. Bakit daw wala na silang naririnig na update tungkol dito.

At sey pa niya, sana raw, may interest pa rin itong mag-artista.

Hmmm… kung titingnan, parang bago pa man mag-pandemic, parang now you see and now you don’t na rin si Kisses. Tila noon pa raw, talagang masyadong sinasala ng mga magulang ang project lang na pwedeng gawin ng anak. Kailangan ‘yung tipong okay sa image nito.

Ano ba image ni Kisses? Sweet, innocent, demure? Tama ba?

Anyway, right naman ng mga magulang ni Kisses ‘yun kung ano ang talagang gusto para sa anak.

Pero since pandemic, nasa probinsiya lang si Kisses at nagpapatuloy ng kanyang pag-aaral through online.

At ang balita namin, choice na rin ng mga magulang nito na ‘wag munang tumanggap ng any work ang anak, lalo na nga ngayong pandemic.

Kahit sa Instagram account nito, hindi naman din ito nag-a-update sa mga fan niya. Nagpu-post lang ng mga produktong ine-endorso, maliban noong birthday niya na nagpasalamat ito sa kanyang mga tagahanga na sey naman niya, hindi niya raw ipagpapalit sa kahit na anong materyal na bagay.

***

Tumindi away: Pauline, Liezel nakabasag ng gamit sa taping

Masaya raw ang girlfriend ni Kristoffer Martin na si Liezel Lopez na pinagkakatiwalaan siya ng GMA-7 bilang isang kontrabida. Para sa kanya, after her StarStruck stint, ang GMA Afternoon Prime na “Babawiin Ko Ang Lahat Sa ‘Yo” raw ang maikokonsider niyang biggest break niya to date.

“I’m very blessed and I’m very happy po na binuild-up nila ang career ko as kontrabida.”

Ang pinaka-idol niya raw talaga sa mga kontrabida ay si Cherie Gil.

‘Yun nga lang, mukhang after na mag-back-out in the middle of filming na ng Legal Wives ni Cherie, mukhang malabo pa itong makasama ni Liezel sa GMA?

Wala na siyang maisip kung sino ang gusto niyang saktan o apihin, pero gusto raw niyang mag-shine ang kahit sino na makakasama niya na magiging kontrabida siya.

Hanggang ngayong Linggo na lang ang Babawiin Ko Ang Lahat at sa pagiging sobrang intense raw ng eksena nila ni Pauline Mendoza, may nabasag daw silang lamp shade sa set dahil sa mga batuhan nila ng damit at pag-aaway.

“Nag-sorry naman po kami kay Direk. Na-carried away kaming dalawa. Pero talagang kailangan po ng control lang talaga kagaya po paano kung mamahalin ang gamit na mabasag o masira namin.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.