Una sa Balita

Kisses binalak mag-quit sa showbiz?

Humingi ng sign kay God

0 2,733

Overwhelmed ang young star na si Kisses Delavin sa dami ng mga suppor­ter niya na dumagsa sa kanyang mall show nitong Martes lang ng hapon sa isang mall sa Naic, Cavite para sa clothing line endorsement niya na Bench.

Kahit sa Tacloban din daw, ayon sa Kapamilya star ng teleseryeng Playhouse, a few days ago ay sob­rang dami ring mga fan niya ang pumunta sa kanyang meet and greet sa isa ring mall.

Ilang araw raw bago ang mall show ni Kisses sa Naic, Cavite ay nanghingi ng sign kay God si Kissses para siguro kung magtutuloy pa ba siya sa showbiz o hindi, dahil according to her recent post sa Instagram account, may isang linya na sinabi niyang “Maybe I should keep going” after niyang makita ang mga taong nagmamahal sa kanya sa mga nasabing mall shows.

Lagi raw kasing sinasabi ng daddy ni Kisses sa kanya ang Latin phrase na Vox Populi, Vox Dei which means ‘the voice of the people is the voice of God’, kaya naman naisip niya na baka ito na nga ang message sa kanya ng Diyos na magpatuloy sa kanyang showbiz career.

Dahil sa bonggang-bonggang suporta na natatanggap ng ka-loveteam ni Donny Pangilinan mula sa kanyang mga follower ay sobrang nagpapasa­lamat ito sa kanila, “Thank you to my dearest supporters since Day one. I love you & I appreciate you.”

Congratulations sa mga magulang ni Kisses, dahil kitang-kita kung gaano kaganda ang pagpapalaki nila sa kanilang dalagita na minsan na rin naming nasaksihan sa isang event na kahit paalis na sila ng parents niya ay pinagbigyan pa rin niya na makunan siya ng solo picture at magpa-picture sa kanya ang ilang entertainment bloggers and writers.

 

Miriam Quiambao ‘boy’ ang panganay

Congratulations also to 1999 Miss Universe First Runner-Up, Miriam Quiambao, at sa kanyang asawang si Ardy Roberto, dahil isang boy ang kanilang magiging anak!

Last Saturday nalaman ng magkabiyak ang gender ng kanilang supling na nasa sinapupunan ni Miriam after nilang magpa-ultrasound.
At dahil excited ang dalawa na malaman ang kasarian ng kanilang baby ay agad din daw silang nagkaroon ng intimate gender reveal party para sa kanilang pamilya.

Part of the beauty queen-turned-actress-host’s caption on her Instagram post was “Grateful to God for the gift of a healthy baby free from any congenital anomalies. What an answered prayer!”

Sa huli ay humihingi pa rin ng panalangin si Miriam na isang inspirational speaker na rin ngayon, author at entrepreneur sa mga tao para sa kanilang dalawa ng anak nila, “Please keep baby and me in your prayers as I was found out to have persistent uterine contractions, a high level of amniotic fluids and was advised bed rest this whole week. Claiming for healing in Jesus’ name!”