Una sa Balita

Kiss festival ng LizQuen, JoshNella kinakiligan

0 416

Bantay Teleserye

Ni Jun Lopez

Nitong Biyernes ng gabi ay napuno ng kilig ang mga Kapamilya fan dahil sa magkasunod na pasabog sa primetime ng ABS-CBN.

Hindi magkamayaw ang mga manood ng “Make It With You” nina Liza Soberano at Enrique Gil, at maging ang mga nanood ng finale na “The Killer Bride”.

Sa isang eksena kasi sa “Make It With You”, naganap ang first on-screen kiss ng LizQuen on national TV.

“Nag matured na sila at ganda Ng serye na too ka Dina nagka pag tataka na gabigabi silang nasa 1 spot sa tweeter tapos minsan nasa worldwide din.”

“Level-up na ang LizQuen!”

“Kilig to the max!!”

Ilan lang ‘yan sa kilig post ng mga netizen.

Ilang sandali pa, may ikalawang tukaan scene pa ang tambalang Joshua Garcia at Janella Salvador sa “The Killer Bride”! Hayayay!

Naganap nga ito sa finale ng “The Killer Bride” kung saan sila nga ang nagkatuluyan sa bandang huli.

Arya na naman ang mga netizen sa pagkokomento:

“My joshnella hart (heart emojis) kilig much…”

“Joshnella first kiss on national TV same with Lizquen.”

“Dito tlga ako kinilig .. kaya pla subrang close cla last week sa mga guesting nila.”

Gumana rin ang matatabang utak ng mga netizen kung saan nagkalat ang mga meme na makikitang umiiyak sina Elmo Magalona at Julia Barretto habang naghahalikan ang JoshNella. Siyempre naman, may dapat ipanghinayangan ang sina Elmo at Julia sa kanilang mga ex! Hahaha!

Overall, ang nanalo sa “kissing festival” nang gabing iyon ay walang iba kundi ang mga manood ng Kapamilya primetime shows.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More