Una sa Balita

Kiray hiwalay na sa dyowang negosyante?

0 465

Kinukulit ngayon si Kiray Celis ng kanyang mga supporter, follower tungkol sa binanggit niyang status sa naipundar na business na Chicks & Fins. Nag-post si Kiray sa Instagram ng isang video habang hawak ang isang loaf ng cinnamon bread na may kandila sa ibabaw.

Sa caption, ipinaliwanag ng komedyante na sosorpresahin niya ang isa sa mga staff ng resto sa kaarawan nito. Sey nito, wala raw siyang pambili ng cake kaya tinapay na lang ang binili nito para sa staff na si Joey.

Dito sinabi ni Kiray na hindi na siya “part” o bahagi ng Chicks & Fins. Hindi nagdetalye ang dalaga sa rason. Sey lang nito, kahit wala na siyang part sa naturang food business, hindi nagtatapos ang pagmamahal at pakikipag-kaibigan niya sa mga ito.

Panay ang tanong ng mga fan kay Kiray, pero wala ni isa sa mga ito ang sinagot ng una. Well, malalaman naman sa mga susunod na araw ang official statement o paliwanag ni Kiray sa kanyang sitwasyon. Hiwalay na kaya si Kiray sa dyowang negosyante? (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy