Una sa Balita

Kiray bumongga ang career nang umalis sa ABS-CBN

0 464

Sobrang blooming ngayon si Kiray Celis. Happy raw kasi siya sa career niya ngayon.

Kuwento ni Kiray, ramdam niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso station.

“Super happy and super satisfied and mas maraming trabaho ngayon,” sey ni Kiray.

Kasama nga siya sa pelikulang “Kiko En Lala” na bida si Super Tekla.

“Ang hirap magpatawa na may bitbit kang problema. Parang kailangan mo munang magpasaya kahit sa totoo, hindi ka masaya,” sey pa ng bulilit na aktres.

Pero, ang mas nagpapasigla raw sa kanya ngayon ay ang 1 million na follower niya sa Instagram.

Anyway, sa ABS-CBN nga nagsimula si Kiray, sa show na “Goin Bulilit” noong early 2000. At ngayong 2019 lang din siya lumipat sa GMA na kung saan ay mas masaya na nga raw siya. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy