Una sa Balita

Kiray bigo sa pantasya kay Clint Bondad

0 472

Tuloy-tuloy na sana ang panggagamit ni Clint Bondad kay Kiray.

Katunayan, naisipan ni Clint (Kyle) na dalhin si Kiray (Kakai) sa isang romantic dinner date habang inutusan nito ang kanyang mga mi­nions na sina K1 at K2 na nakawin ang kapa ni Kakai mula sa bahay nito.

Sa kabutihang palad, nabisto nina Mika, Ziki at Pepay ang dalawa. Bilang Wonder Kulits, kaya na nilang kalabanin sina K1 at K2 at masaya ang mga bata na natalo nila ang dalawa.

Samantala, sa kanilang romantic dinner date, naniniwala si Kakai na tumitibay lalo ang kanilang relas­yon ni Kyle at nais na nitong alukin ng kasal ang binata subalit ng panahon na iyon, nalaman din ni Kyle na wala na kay Kakai ang naturang kapa at nasa kamay na ng mga misteryosong bata.

Matapos malaman ang masamang balita, nakipaghiwalay si Kyle kay Kakai at ipinaalam dito na niligawan lamang ang dalaga dahil sa pakay nitong makamtan ang kapa.

Nasaktan sa nangyari, ina­lo si Kakai ng kanyang step grandparents at napagdesisyunan nitong hanapin muli ang kanyang kapa at bumalik bilang si Super Kiriray upang mapatumba si Kyle.

Determinado na nga­yon si Kyle na malaman kung sino nga ba ang mga misteryosong bata.

Ipinadala niya sina K1 at K2 upang maghasik ng lagim sa bayan. Dumating na din ang Wonder Kulits para iligtas ang araw!

Abangan ang lahat ng ‘yan sa Daig Kayo ng Lola ko sa Linggo sa GMA-7. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy