Una sa Balita

Kinuyog ng mga kapwa mahistrado

By
0 15

Marami pa umanong mahistrado ang pinayagan ng en banc na duma­lo at magbigay ng paha­yag kaugnay ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ito ay nakakagulat na pangyayari na tila ang Punong Mahistrado ay kinukuyog ng kanyang kapwa mahistrado. Wala pa ito sa kasaysayan ng Kongreso at tila nag-ober de bakod sila para maituwid ang pagkukulang ni Sereno.

Malinaw na nagkulang ng pakikisama si Sereno sa kanyang mga kasamahan na maituturing na mas may karanasan sa hudikatura kung ikukumpara sa kanya.

Ito marahil ang pa­ngit na resulta na ginawa ng nagdaang administrasyon ni dating Pa­ngulong Noynoy, ang tapa­kan o malagpasan ng mas batang mahistrado ang ilang mga maituturing na ‘senior’ para sa pagka-­Punong Mahistrado.

Dahil sa naturang desisyon na italaga si Sereno bilang Chief Justice, kaysa sa mas senior na si Justice Antonio Carpio, nasira ang tradisyon sa loob ng institusyon. At dahil naging sobra na rin ang politika, nawala na rin ang respeto sa isa’t isa.

Sana ay bumalik ang dating pananaw ng publiko sa Korte Suprema na may misteryo at punong-puno ng respeto at integridad. Pero marapat lang na bukas pa rin sila sa pagpuna at pagbabantay ng iba pang sangay ng gobyerno.

***

Related Posts

Balitawit

Sa tono ng ‘Si Aida, o si Lorna o si Fe’ ­(Marco Sison)
O Sereno O Sereno
Lumiliit ang mundo mo..
Sa araw-araw na pagtutok ng bayan
Sa problema mo..
Sino sa tatlo ang may galit sa iyo..
Parang awa mo na, mare
Si Francis, o si Tijam, o Brion?

II

Lahat sila ay may ­hugot..
Sa ‘yo sila’y naya­yamot
Baka naman lahat sila’y interesado
Magpalit-ulo
O ikaw kaya Maria ay umabuso
Tulungan mo ‘ko, mare
Si Francis, o si Tijam o Brion?

REFRAIN:

Kawawang Chief ­Justice
Dumurugo, nalilito kung sino pa ba…
Sino pa ba sa mahistrado?
At gagawing testigo
Matanggal lang sa ­puwesto

III
O kay gulo, o kay gulo
Naiinis na nga ako
Sa dinami-dami ba ­naman ng problema
Sa buong mundo
Bakit ba ika’y kinukuyog ng tatlo
Sabihin mo na, mare
Si Francis, o si Tijam o Brion!

Lord, Kayo na po ang bahala!