Una sa Balita

Kinumpiskang Marcos building sa Baguio gigibain

0 284

NAKATAKDA nang isailalim sa demolisyon ang kinumpiskang pag-aari ng mga Marcos ng developer na nakabili nito sa gobyerno.

Base sa dokumento mula kay Baguio City Assistant Architect Johnny Degay, ang demolisyon ng gusali ay inaprubahan noong Enero2019.

Gayunman, itnanggi ni Baguio City Councilor Mylen Yaranon, na alam niya na nabenta na ang ari-arian dahil ang transaksiyon sa bentahan ng ari-arian ay rerebisahin.

Ang nabanggit na ari-arian ay ang tatlong palapag na Swiss-inspired building na matatagpuan sa high-end residential area malapit sa official summer residence ng Pangulo.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang pamilyang Marcos sa naturang isyu. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy