Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kinumpara ka Vico: Angel inudyukang mag-‘mayor’ sa Q.C.

0 82

Puring-puri ng Twitter user na si @dagamiRRT si Angel Locsin, dahil sa ginawa nito sa isang matandang lalake at sa baby nito.

“’Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak. At pati kami ay nagulat sa actions na ginawa niya. Myghaaad. Sana marami pang katulad niyo!

“Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu!

“Godbless!” sabi nga ni @dagamiRRt.

Siyempre, sunod-sunod ang nagkomento sa post na `yon kay Angel. At sa isang Facebook page ay mababasa ang pagkomento ng matandang lalake, na diumano ay natulungan nga ni Angel.

Sabi ni Zaldy Castro, “Maraming salamat po Ma’am Angel Locsin… Ako ‘yung tinulungan ni Mam Angel subrang bait nya po talaga… Sana po may makatulong pa po samin para sa baby Amora ko need nya po ma-liver transplant po medyo malaki po kc ang kailangan namin malikom para maopirahan cya sa India kahit unting tulong lang po para sa anak ko po ty po God bless.”

Makikita nga sa video ang biglang paglapit ni Angel sa matandang lalake, kumuha ng pera sa kanyang wallet at ibinigay sa kaharap, at bigla ring umalis agad.

Anyway, hirit naman ni Norveen Arnecillo Ordoñez, “Nag-escort na po ako kay Ms. Angel ilang beses na rin po… Totoo po talagang ginagawa nya po yan khit off cam, sobrang maawain po niya…sa dami ng mga taong natulungan niya, napasaya niya kahit sa maliit na bagay…iba talaga si Ms. Angel, saludo po ako sa kanya…”

Norveen Arnecillo Ordoñez
Norveen Arnecillo Ordoñez is on Facebook. Join Facebook to connect with Norveen Arnecillo Ordoñez and others you…

Pero, ang nakakabigla ay ang sunod-sunod na mensahe na inuudyukan si Angel na kumandidatong Mayor ng Quezon City. Gusto nga raw nilang magkaroon ng Mayor na tulad ni Vico Sotto.

“Sana tumakbo ka Mayor ng Q.C. para may Vico Sotto na rin kami!” ang hirit pa ng mga fan.

Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.