Una sa Balita

King Jeff kuminang sa Group Race

By
0 248

Ipinakita ni King Jeff ang kanyang tikas upang payukuin ang mga katunggali sa Group Race (8-9) noong Sabado ng hapon sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Binaybay ni King Jeff at hinete nitong si JA Guce ang bandang labas ng karera upang makasunod sa bumanderang si Zapima.

Papasok ng far turn ay pinatungan na ni King Jeff si Zapima kasama si Heat Resistant habang nanonod sa pang-apat na puwesto si Faithful Wife.

Sa rektahan ay nagka­panabayan ang tatlo at nilalabas na ng mga hinete ang kanilang tikas sa pagdadala.
Kinuha ni King Jeff ang unahan sa huling 100 metro ng laban at tinawid nito ang meta na may dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong si Heat Resistant.

Terserong dumating ang bumanderang kapos na si Zapima. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy