Una sa Balita

King Gil tinuka si Oh Neng

0 306

SAKTO ang paremate ni jockey MP Laloma kay King Gil upang sikwatin ang panalo sa Group Race category 10 Huwebes ng gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Tatawid na lang ng meta si Oh neng pero natuka pa siya ni King Gil.

“Ang ganda ng remate namin, tuloy-tuloy mabuti na lang at walang aberya kasi konting-konti lang ‘yung agwat ng panalo namin,” masayang saad ni apprentice rider Laloma. “Kung na-delay kami kahit isang segundo malamang talo.”

Nasa pang-walong puwesto si King Gil sa largahan at hindi pa rin siya kasama sa limang nagbabakbakang kabayo sa far turn.

Subalit papasok ng home turn ay sumasagitsit mula sa likuran si King Gil at sumalo na siya sa nagkukumpulang kabayo sa huling 150 metro ng karera.

Dikit lang nagkatalo sina King Gil, Oh Neng at third placer Winning Move, nguso lang ang naging agwat pagtawid ng finish line.

Pumang-apat si Be Humble habang pang­limang dumating si Courageous. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy