Una sa Balita

Kindred Soul nilampaso si Fortress

0 324

DINOMINA ni Kindred Soul ang “Two-year-old Maiden Race” upang biguin ang liyamadong si Fortress Huwebes sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Sinunggaban agad ni second choice favorite Kindred Soul ang unahan sa largahan pero kinapitan siya ni Wild Dance.

Hindi nasira ang diskarte ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce, kalmadong nirendahan si Kindred Soul at hindi nito binitawan ang unahan.

Papasok ng far turn ay unti-unting kumalas ang winning horse kay Wild Dance upang hawakan ang dalawang kabayong abante sa huling kurbada.

“Nasa tabing balya naman kami kaya kung ano ‘yung game plan namin ay ‘yun ang sinunod ko,” saad ni Guce, anak ni dating star jockey at legend na si Jesus ‘El Maestro’ Guce. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy