Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kinder, elementary student pasok sa tuition subsidy

0 83

Inaprubahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na dagdagan ang bilang ng mga estudyante sa pribadong paaralan na binibigyan ng subsidy sa matrikula.

Walang tumutol nang aprubahan ng House committee on basic education and culture na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo ang panukala sa pagdinig nitong Huwebes.

Ayon kay Laguna Rep. Ruth Mariano-Hernandez, ang nanguna sa Technical Working Group (TWG), isasama na sa bibigyan ng ayuda ang mga kindergarten at elementary student.

SM food to go Banner Ad

Sa kasalukuyan ang binibigyan ng subsidy ay mga piling estudyante sa pribadong high school.

Umapela naman si Education Undersecretary Tonisito Umali sa mga miyembro ng komite na maglagay ng probisyon para ang prayoridad na mabigyan ng subsidya ay ang mga pamilya na low at middle-income earner. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.