Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kinasal sa hindi kakilala

0 69

Napanaginipan ko na kinasal daw ako, andun ‘yung mga kaibigan ko tsaka pamilya ko, pero hindi ko naman kilala kung sino ‘yung pinakasalan ko kaya gusto ko malaman ano bang ibig sabihin nito? Salamat!

  • Ticia

Indikasyon ang wedding na mayroong mangyayaring pagbabago sa iyong relasyon o sa lahat ng aspekto ng buhay mo. Konektado rin ito sa mga iniisip mong plano o ideya para sa future mo lalo na tungkol sa iyong love life.

Lahat tayo, ang unang naiisip sa wedding setting ay tungkol sa pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan, pero sa panaginip representasyon ito ng iyong unconscious mind. Batay sa mga pagpapakahulugan, tumutukoy ang panaginip na ito sa magical gift na taglay mo. Ang mga regalong ito ay posibleng makapagpabago ng buhay mo tungo sa mas maayos na estado.

Kung sa panaginip ay hindi mo nakilala ang taong pinakasalan mo, maaaring sinasabi nito na naghahanap ka ng isang health relationship kung saan hahayaan ninyo ang isa’t isa na mag-grow individually at hindi umaasa o dumedepende sa bawat isa.

Maaaring galng ka sa isang toxic na relasyon at gusto mo naman ng something na bago o makakilala ng taong may kakaibang mga katangian na swak pa rin sa iyong standard. Sinasabi rin nito na kailangan mong protektahan ang sarili mo laban sa ibang tao.

Para magtagumpay ka sa paghahanap ng taong makakatuluyan mo, kailangan mo ring tingnan ang sarili mong personalidad at pamamaraan ng pagharap sa mga pagsubok. Baka maiinitin ang ulo mo o kaya naman ay maiinipin, kung ganito siyempre baka hindi mo makita ang taong dapat ay sa iyo.

Kung single ka at napanaginipan mo ito, nangangahulugan ito na may ibang uri ng commitment ang gusto mong mangyari sa reyalidad. Anumang klase ng commitment o obligasyon ang piliin mo, ipinapakita ito ng subconscious mo sa porma ng kasalan para mas maintindihan mo kung ano ang iyong role dito.

Kapag naman may karelasyon ka ngayon, pero iba ito sa nakita mong pinakasalan mo sa panaginip, sinasabi nito na may mga katangian ka pang hinahanap bago ka mag-decide na magpakasal.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.