Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kinalat ng bading na vlogger: Vice Ganda pineperahan lang daw ni Ion

0 122

Kung paiiralin ni Vice Ganda, o ni Ion Perez, lalo na ni Awra Briguela, ang galit sa mga puso nila, may kalalagyan ang bading na vlogger (hindi ko na babanggitin name niya), ha!

Aba, may bago nga siyang eksena na ginawa, na nagpanggap siyang si Awra sa kiyeme-kiyemeng interview, at pinalabas na magkaaway sina Vice at Awra, at dahil daw kay Ion `yon.

Anyway, sa chikahan na `yon ng dalawang bading na vlogger, napag-usapan, natanong ng bading host ang guest niya kung bakit ito nalaos, na sinagot naman na dahil binitawan daw siya ni Meme Vice.

Na kesyo ang dahilan daw ay si Ion Perez nga. Dahil ang totoo raw, si Awra raw ang bet ni Ion, at hindi si Vice.

Na kesyo piniperahan lang daw ni Ion si Vice.

Natanong din kung ‘nagalaw’ siya ni Ion, na sumagot naman ito na oo raw, sa loob daw ng dressing room no. 5, at sa mismong taping daw.

SM food to go Banner Ad

Oh, di ba? Ang taba ng imahinasyon ng dalawang bading na vlogger para maisip nilang gawin ito. Na gumawa ng content na magkunwari na siya si Awra at magsalita ng kung ano-ano na nakasisira kina Vice at Ion, na nananahimik.

“Pinaka-ayoko sa lahat ‘yung may nadadamay na ibang tao!” sabi lang ni Awra na hindi rin binanggit ang pangalan ng naturang bading na vlogger, na nakaaway na niya noon.

Habang sinusulat ito ay wala pang reaksiyon si Vice. At sa tantiya ko lang, dedma lang ito, dahil feel niya na gusto siyang gamitin ng mga bading na vlogger para sumikat, o mapag-usapan.

Pero, again, kung susundin nila ang sulsol ng mga netizen, may kalalagyan ang dalawang ito, lalo na ang isa na nagpanggap na si Awra.

Pinakakasuhan nga ng mga netizen ang dalawa, dahil sa pagpapakalat ng mga malisyosong tsismis sa kanila, at pagpapanggap na siya si Awra, o paggamit sa pagkataon ni Awra nang walang pahintulot. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.