Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Kinahihiya ko kayo’ Sharon galit sa mga artistang bayad sa fake news

0 213

Walang filter! Prangkang sinagot ni Sharon Cuneta ang tanong sa kanya tungkol sa mga kapwa artista na pumapayag magpabayad para magpakalat ng mga ‘fake news’.

Sa story conference nga ng pelikulang Revirginized (ang comeback movie ni Sharon sa Viva Films after 18 years), kasama sina Direk Darryl Yap at Rosanna Roces, nabaling ang usapan sa mga kasamahan niya sa showbiz na diumano ay pumapayag magkalat ng mga pekeng balita alang-alang sa salapi.

“Ikinahihiya ko sila!” sabi ni Sharon.

Binalikan nga ni Sharon ang kapanahunan na halos lahat ay gusto siyang kuning endorser ng mga produkto.

“Noong kalakasan ko noong araw, may tatakbo kunyari na presidente, ooffer-an ka nang milyon-milyon para sila endorsohin.

“Never ako nagpabayad. Lagi akong… I’d rather go with this one kahit matalo kasi yung prinsipyo or whatever my beliefs were pumapantay.

“Parang sa endorsements, this is a well-known fact in the advertising industry. You can talk to anybody in any advertising company.

“Sa rami ng endorsement offers na tinanggihan ko over the decades, dahil ang feeling ko, babayaran nga ako pero yung produkto, parang palpak o ‘yung serbisyo, hindi ko malunok.

“Kung pinatulan ko lahat ng mga endorsement na ‘yon, siguro doble na ang naipon ko sa ipon ko ngayon.

“Ang feeling ko, kung sa fake news… Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it?

“Kasi hindi hamak na mas rerespetuhin ko ang isang totoong tao na tapat sa ginagawa kesa doon sa pasimple kang nagpapabayad para mag-spread ka ng peke.

“Ginagamit mo ‘yung impluwensiya mo sa maling paraan para kumita.

“It’s despicable to me. It’s unacceptable to me.

“Ikinahihiya ko na sabihing kasama ko sila sa industriya!” ang prangkang litaniya ni Megastar.

Pero, sino-sino nga ba ang mga influencer, mga celebrity, artista na pumapayag magpabayad sa pagkakalat ng mga fake news, o para mawasak ang reputasyon ng ibang tao? (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.