Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kinagat ng ‘best friend’

0 87

Hi, napanaginipan ko po na ako ay kinagat ng aso na alaga ng asawa ko. Sa totoong buhay ay hindi talaga ako malapit sa aso na ‘yun pero hindi naman niya ako kinakagat, hindi ko lang din mapaalis ‘yun dahil tinuturing na best friend ni misis. Pero sa panaginip ko, kahit hawak ko ang baby namin, bigla na lang akong nilapitan ng asong ‘yun at kinagat sa paa at binti. May ibang ibig sabihin kaya ito?

– Marvin

Hindi kakaiba ang panaginip na tungkol sa alagang hayop, katunayan ay kabilang ito sa mga commondream, lalo na ang aso na tinturing ngang man’s bedt friend bukod pa sa sumisimbolo ito sa totoo at tapat.

Dagdag dito, sumisimbolo rin ang mga aso sa pagiging generous o mapagbigay at pagkakaroon ng proteksyon. Pero sa iyong panaginip, imbes na comfort at pakiramdam na safe ka, ay baligtad ang iniwan nitong impresyon at maaaring naging dahilan pa nga ng takot sa iyo.

Sa panaginip kapag ang aso ay nangagat, nangangahulugan ito na may inner conflict sa iyong sarili o sa mga taong malapit sa iyo, maaari ring nawala ang tiwala at pagiging totoo ninyo sa isa’t isa.

Ang pagkagat naman sa iyo sa paa ay simbolo ng kawalan mo ng balanse sa iyong buhay, dahil ang paa at binti ay konektado sa balance at stability. Maaaring dumadaan ka ngayon sa isang mahirap na sitwasyon at maraming problema ang iyong kinakaharap. Pwede rin itong maiugnay sa nawalang tiwala.

Subukan mong tingnan ang relasyon mo sa iba’t ibang kakilala at naging parte ng iyong buhay.

Ang baby naman ay nangangahulugan ng pagiging inosente o hindi mo pakikihalubilo sa ibang tao, na pwedeng makatulong o makasama sa iyo, at pagkakaroon ng bagong simula.

Sinasabi rin ng panaginip mo na magkakaroon ka ng self-development at mga bagong opurtunidad para bumawi at magkaroon ng reward ang bagong yugto ng iyong buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.