Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kinabog mga ex-pres! Duterte petmalu satisfaction rating

0 117

Nanatiling mataas ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

Batay sa Pulso ng Pilipino nationwide survey, 82% ang satisfied o masaya sa pamamahala ni Pangulong Duterte habang 14% ang hindi satisfied o hindi masaya sa trabaho niya.

Magwawakas ang anim na taong termino ni Pangulong Duterte sa June 30, 2022.

Si Pangulong Duterte ang tanging Presidente na may pinakamataas na satisfaction rating hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino kumpara sa mga nauna sa kanya.

Isinagawa ang survey ng The Center mula Hunyo 6 hanggang Hunyo 15 sa may 1,200 respondents nationwide. (Issa Santiago/Aileen Taliping)

iframe width=”840″ height=”472″ src=”https://www.youtube.com/embed/MyMWG0nlvJU” title=”YouTube video player” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen>

Leave A Reply

Your email address will not be published.