Una sa Balita

Kinababaliwang ‘lalaki’ ni Anne aprub kay Erwan

0 344

Ni Athena yap

Talagang hindi nga maitatanggi ang pagiging fan-girl ni Anne Curtis sa mga Korean superstar, mapa-K Drama man o K-Pop ay talagang hindi pinalalagpas ni Anne.

Binati nga sa pamamagitan ng Twitter ni Anne ang kanyang Korean idol na si Gong Yoo ng “Happy Birthday”, na bida sa K-Drama series na “Goblin.”
Ayon sa interview ni Anne noon sa “TWBA,” nagsimula sa “Goblin” ang kagustuhan niyang manood ng K-Drama hanggang sa makahiligan na nga niya to the extent na pumupunta nga siya sa mga espesyal na kaganapan ng kanyang mga idolo na Korean star tulad ng pagpunta niya noon sa concert ng Blackpink at pag-host sa pagdating ni Park Bo Gum sa Pilipinas kamakailan.

“Happy Birthday to my original, Gong Ji-cheol. Patiently wai-ting for your new movie. Pro-mise I’ll have a block screening. So looking forward to your tandem with baby bogummy (Park Bo Gum) and pray it will be a huge success! Hindi pa kita na-meet pero sana one day,” mensahe ni Anne kay Gong Yoo.

Bongga, ‘di ba? Talagang ki-nareer ni Anne at desididong magpa-block screening para sa susunod na movie ni Gong Yoo, ha!

Anyway, kahit nga ang asawa ni Anne na si Erwan Heussaff ay talagang supportive sa pagiging K-Drama fan ng kanyang asawa, at nakibati rin ito sa Twitter.

“Happy birthday brother, @Gong,” pagbati naman ni Erwan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy