Una sa Balita

Kim,Gabbi,Sofia

0 333

kabugan sa ‘best in swimsuit’

By Dondon Sermino

Parang may swimsuit competition nitong nakalipas na araw sa Ins­tagram, ha! Sunod-sunod, o sabay-sabay kasi ang pagpu-post ng mga artista natin sa kanilang mga social media account, na puro naka-swimsuit sila.

Kanya-kanyang style, pasabog, hubog, at itsura ng swimsuit ang pinarada nila. At siyempre, lahat ‘yon ay pasado sa mga fan nila.

Tulad na lang ni Kim Chiu, na hindi naman sobrang revea­ling ang suot na swimsuit. Simple lang nga ito kung tutuusin, dahil one piece ito na kulay red na may picture/print ni Winnie The Pooh sa harap.

Simple sa unang tingin, lalo na ang upper part. Pero, mula sa ilalim ang pagkaka-shot ng photo, at yes, bumulaga ang mahabang mga leg ni Kim.

“Anyos bente-nuwebe!” ang simpleng caption ni Kim sa swimsuit photo niya na kuha sa Balesin Island. Selebrasyon nga ito ng kanyang birthday.

At hirit nga ni theoscarbrad, “Te apakaganda mo nman yan ba ang nagagawa ng saya sa puso…kabogera @chinitaprincess.”

Palaban naman si Sofia Andres sa sexy photo niya. Two piece na bikini ang suot niya na sobrang expose nga ang kanyang boobs. Ang husay ring magpa-picture ni Sofia, na talagang in-emphasize niya ang sukat ng kanyang ba­lakang at bewang.

Makinis, maputi, at katakam-takam talaga si Sofia, sa totoo lang.

Kaya hirit din ni ramsy_2019, “Oh my goodness kaya naman pala ako pinagpawisan today eh si idol pala ang dahilan ng sobrang init.”

Simpleng photo naman ang pinost ni Gabbi Garcia, na nagtatanong lang kung saan ang magandang destinasyon niya. Kulay itim na bikini ang suot niya, na medyo high waist, at may ribbon sa gilid. Pero dahil sa ganda ng pagkaka-emote niya, super aliw pa rin ang mga fan sa kanya.

“Planning my next beach trip. Any suggestions?” sabi lang ni Gabbi.

At nakakaloka dahil dumagsa talaga ang imbitasyon sa kanya. Mula sa Boracay, Palawan at Cebu nga ang imbitasyon sa magandang dyowa ni Khalil Ramos, ha!

I’m sure, mas marami pang sexy photo ang lalabas sa social media, lalo na at hindi pa nga natatapos ang April, at painit talaga nang painit ang panahon, ha! So, expect na mas maraming guys ang magpipiyesta ngayon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy