Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim, Xian sahog lang sa serye

0 895

NI: ARCHIE LIAO

Naging palaisipan sa mga netizen ang naging post kamakailan ni Xian Lim.

Aniya, marami raw siyang direct messages na natatanggap tungkol sa mga ganap niya.

Siya man daw ay may mga katanungan din na gustong mabigyang linaw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunpaman, hoping for the best daw siya na mababago pa ang situwasyon.

Bagamat wala siyang direktang tinutukoy, tinumbok ng ilang netizens na may hanash siya sa kanyang show na Love Thy Woman.

Obserbasyon kasi ng ilan, hindi na raw nakapokus ang kuwento ng teleserye sa love team nila ni Kim Chiu. Nakasentro ito sa bangayan ng mga pamilyang nag-aagawan sa pangalan, yaman at pag-aari ng kanilang angkan.

Hirit pa nila, hindi na rin daw solido ang kanyang hanash lalo pa”t magwawakas na ang nasabing teleserye.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.