Una sa Balita

Kim-Xian #couplegoals sa Denmark

By
0 823

Sobrang happy ng Kim-Xian fans ngayon dahil alam nila na ang mga idolo nila ang magkasama ngayon sa Denmark. Sunod-sunod nga ang post ni Kim Chiu ng photo niya nu’ng Pasko na nasa Copenhagen, Denmark siya.

Ang bobongga ng photos ni Kim, at captured talaga ang ganda ng kapaligiran. Tipong maaamoy mo nga ang mabango at tunay na puno na ginawang Christmas tree.

“Christmas tree makes me happy,” say ni Kim.

At mapi-feel mo rin talaga ang malamig na klima roon. Pero, kahit sobrang lamig, hindi nagpaawat si Kim sa pagrampa. Sayang nga naman ang outfit, kung hindi irarampa, ‘di ba?
Anyway, check mo naman ang Instagram account ni Xian Lim, at makikita mo na nasa Denmark din siya. Kung ano ang lugar na tinungtungan ni Kim, ‘yun din ang venue ni Xian sa photos niya.

At sa isang Instagram story nga ni Kim makikita mo si Xian na palakad-lakad.

Well, happy nga ang lahat na may ka-travel buddy na si Kim, ha! Madalas nga kasing mag-explore sa ibang bansa si Kim, at minsan mag-isa lang talaga siyang rumarampa.

Sabi nga ng fans, #couplegoals sina Kim at Xian sa mga eksena nila sa Denmark, ha!