Una sa Balita

Kim, Xian balik tambalan sa ABS-CBN

0 434

abante-anything-goes-jun-lalinAng story conference kahapon ng isang bagong series ng ABS-CBN ang makapagpapatunay na hindi ban si Xian Lim sa Dos.

Kasama sa series na ‘yon ang mag-sweethearts na Kim Chiu at Xian nga. Nagbubunyi ang KimXi fans, at least, may bagong tambalan na ulit ang dalawa.

Nakuha rin ni Xian sa tiyaga, kahit matagal siyang hindi nabigyan ng regular series ng Dos dahil sa sinasabing paglipat niya sa Viva Artists Agency mula sa pamamahala ng Star Magic.

Noon kasi na wala siyang regular project sa Kapamilya network ay may mga nagsasabing lumipat na lang siya sa GMA-7 dahil mukhang malabo na nga siyang magka-regular project pa sa Dos, pero nagtiyaga naman siya at pinatunayang loyal naman siya sa nasabing TV network.

At heto na nga, together again sila ni Kim sa isang series. Buhay na buhay na naman ang KimXi fans!

Solenn sikat sa Indonesia

Wala si Solenn Heussaff sa #the_edit summer collection launch noong Thursday night sa rooftop ng Grand Hyatt sa BGC. Si Solenn pa naman ang isa sa mga owner ng nasabing clothing apparel na kasosyo niya ang mga kaibigang sina Isabelle Daza, Liz Uy at Georgina Wilson.

Sabi ni Raymond Gutierrez na siyang namahala ng launch na ‘yon, nasa Bali, Indonesia si Solenn. Akala ko naman ay nagbabakasyon siya roon, pero ayon sa management company niya, nagpunta siya sa Bali dahil sa event doon ng isang endorsement niya.

Anyway, ‘yung clothing apparel business ni Solenn at nina Isabelle, Liz at Georgina ay available online.

Sa Thursday nga pala ay makaka-attend na si Solenn sa press launch ng “Love You Two” series ng GMA-7 kung saan ay kasama niya sina Gabby Concepcion, Jennylyn Mercado at iba pa.

Host ng Sinag Maynila pumalpak kay Ice Seguerra

Nag-speech si Liza Diño-Seguerra sa awards night ng Sinag Maynila noong isang gabi na ginanap sa Conrad Manila. FDCP head si Liza, kaya may speech siya sa awards night ng nasabing film festival.

After daw ng speech ni Liza, in-acknowledge ng host na si Sarah Hernandez-Kho ang mister ng FDCP chairwoman, si Ice Seguerra, pero WIFE raw ang pakilala rito at Aiza Seguerra ang in-announce.

Actually, kapag si Ice ang nagsasalita, always “wife” kung i-acknowledge niya si Liza!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy