Una sa Balita

Kim wala pang planong pakasal kay Xian

By
0 409

abante-paistaran-dondon-serminoFinally, tapos na ang mga haka-haka tungkol sa totoong estado ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim dahil opisyal nang kinumpirma ni Kim na sila ay “officially together.”

Sa special dressing room exclusive interview para sa ikatlong anibersaryo ng ‘Tonight with Boy Abunda’ nagka-chikahan si Kim at ang King of Talk na si Boy Abunda.

Dahilan ni Kim sa matagal nilang pananahimik nina Xian tungkol sa kanilang relasyon: “Alam naman na ng mga tao.”

Napakuwento naman ang aktres tungkol sa relasyon nila ng aktor at sinabing okay ang estado nito kahit hindi sila nagkikita nang madalas dahil sa kani-kanilang mga sche­dule.

Karera at hindi raw kasal ang priority nila parehas ngayon. Ayon kay Kim, “Marami pa kaming gustong mangyari sa buhay. Ngayon naman, ang mga career woman, 30-plus na nila iniisip.”

Tama naman si Kim na mahigit isang dekada na ring nasa showbiz. Mula sa pagiging housemate ay host na siya ngayon ng reality show kung saan siya galing, ang ‘Pinoy Big Brother.’

Mapapanood si Kim araw-araw sa ‘PBB Otso Gold’ tuwing hapon. Malapit namang mapanood ang bagong episode niya sa ‘MMK’ ngayong buwan na tungkol sa exorcism. Ito raw ang pinakamahirap na role na kanyang nagawa so far kaya naman dapat talagang abangan ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy