Una sa Balita

Kim tumangging magpaseksi sa Cebu

0 631

abante-talbog-joe-barramedaSummer is fast approaching na dito sa Pilipinas, habang napakalamig pa sa Amerika at papasok pa lang sila ng Spring season. Pero dito nga sa atin ay nagpaplano na ang mga tao sa kanilang mga summer getaway.

Sa showbiz naman ay mga summer special na ang kinukunan. Gaya ng “Bubble Gang” na matapos ang successful musical concert nila na Parokya sa Cebu City ay ang summer special naman nila ang ginawa doon sa labas ng siyudad ng Cebu.

Doon sila nanatili ng ilang araw para kunan ang masasayang eksena for “Bubble Gang.” Kaya abangan niyo ang mga sexy photo ng “Bubble Gang” girls.

Pero teka lang, may nagsabi sa akin na si Kim Domingo nga ay hindi na nagpa-sexy. Hindi na siya tulad noon na todo sa paglalantad ng ka­seksihan. Ngayon nga ay kahit nasa swimming pool o dagat siya, naka-shorts pa ng maong, ha!

Last week naman ay sa Bataan ang pinuntahan ng grupo ng “Pepito Manaloto” para sa kanilang summer special. May common denominator sila na si Michael V ang isa sa mga creative head.

Speaking of Michael V, sa tuwing gagawa ito ng mga pa­rody ay laging hit sa social media. Spoof ng mga kanta ang lagi niyang ginagaya kasama ang cast ng “Bubble Gang.” Hindi siya nawawalan ng ideas na naghi-hit sa mga netizen.

Kaya naman hindi nananawa ang mga utaw sa “Bubble Gang” na napapanood tuwing Biyernes ng gabi sa GMA at “Pepito Manaloto” na tuwing Sabado naman ng gabi. Ngayon naman ay planong magdirek ng movie. Galing talaga ni Michael V.

Kyline, Jeric ‘Lola’ wagi sa Twitter

Wagi ang “Daig Kayo Ng Lola Ko” noong Linggo ng gabi. Ito ang pilot episode nina Jeric Gonzales at Kyline Alcantara na tatakbo ng 4 weeks. Nag-trending at maingay na maingay ang Twitter sa mga oras na ‘yun na kinabibilangan ng mga KyRic fan.

Hindi nila pinahiya ang idolo nila pagdating sa suporta sa programa nila. Maski ang “Dear Uge” noong Linggo na si Jeric ang isa sa mga guest ay tinutukan din nila. Kaya naman mahal na mahal ni Jeric ang mga fan niya.

Paalam Marie

Nagulat ako sa biglaang pamamaalam ni Marie Balbacui na kapanabayan namin every Sunday sa Custodial sa Camp Crame nu’ng nakakulong pa doon sina Sen. Jinggoy at Sen Bong.

Hindi pumapalya si Marie tuwing Linggo sa Crame. Natagpuan daw na patay na sa kanyang tinutuluyan somewhere sa Sampaloc. Ang pakikiramay sa kamag-anakan. Fan ‘yan ni Vilma Santos noong kabataan niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy