Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim tuloy ang pagbira sa 70 kongresista

0 1,184

Tuloy ang patutsada ni Kim Chiu sa 70 na kongresista na tumutol mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

“What if ‘yung 13 congress hearings na ginawa for ABS-CBN ginawa ‘yun to fix the COVID cases and the families that are deeply affected by this pandemic? Busy sila sa iba, eh. Ang galing nila bumusisi, wala na sa lugar. Sana COVID muna ayusin. Grabe lang. grabe. Nasa Pinas pa ba ako? Parang hindi na kasi. Sobrang nakakaiyak…” sabi ni Kim.

Nauna na ring mag-post si Kim ng nararamdaman niya sa unti-unting pagkawala ng trabaho ng mga kasamahan niya sa Channel 2.

“Nakakalungkot, nakakagalit, nakakaiyak, nakakatakot. Bakit naging ganito ang bansa natin?” saad pa ni Kim.

Sabi ni Kim, sumakit ang puso niya at naiyak nang makita niyang lumuluha ang mga empleyadong lalaki ng Dos. Umiyak sila dahil paano na nga raw ang pamilya nila ngayong wala na silang trabaho. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.