Una sa Balita

Kim sinulsulang ilampaso si Julia

0 454

Muling nabuhay at nag-alab ang isyung breakup nina Gerald Anderson at Bea Alonzo kung saan dawit si Julia Barretto.

Sa nalalapit na tapatan ng ilan sa mga Kapamilya star sa All-Star Games, lalo sa volleyball, todo paghahanda na nga sila.

Sa Instagram ay nagbahagi si Julia ng kanyang excitement. “Team Blue and Team Red this is going to be fun @chinitaprincess,” caption ni Julia.

Agad namang sumagot si Kim Chiu dahil tinag nga ito ni Julia sa kanyang IG story. “Team red is shaking rn (right now)!!! (laugh emoji)” sabi naman ni Kim.

Hindi pa nagpaawat si Julia at sumagot rin agad, “We’re both shaking right now!!!”

“At the end of the day, we’re all in one team! Support! (red and blue heart emoji),” dagdag pa ni Julia.

Hindi malaman kung sarcastic ba sila sa isa’t isa pero ayon sa mga fan, tingin nila ay may namumuo na ngang tensyon sa dalawa.

Matatandaang si Kim ang unang naging dyowa ni Gerald sa showbiz. At ngayon nga ay nali-link ang pangalan ni Gerald kay Julia na siyang pinakamainit na kontrobersiya kamakailan.

Pero mas marami nga lang ang nag-uutos o nagsusulsol kay Kim na talunin, pabagsakin, ilampaso si Julia. Alam niyo na kung bakit! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy