Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim selos sa lampungan nina Jerald, Sunshine

0 123

Nahiyang aminin sa simula, pero bumigay rin si Kim Molina, ang bida sa pelikulang ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’ at sinabi ngang totoo, nagselos siya sa matitinding lampungan nina Sunshine Guimary, at dyowa niyang si Jerald Napoles sa pelikulang ‘Kaka’.

Sabi ni Kim, lock in shooting nga kasi ang nangyari sa jowa niya at kay Sunshine, kaya hindi talaga maiwasang mag-isip siya ng kung ano-ano. Pero, sa huli, ang tiwala niya kay Jerald ang pinairal niya.

Naka-video call din daw niya si Jerald, at kasama pa nito si Sunshine, kaya nawala rin ang pag-aalinlangan niya.

Anyway, kakaiba naman ang eksena ni Kim sa pelikulang ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’ na dinirek ni Darryl Yap.

Kuwento nga ito ni Tasha (Kim), isang babaeng may kakaibang sakit na Congenital Insensitivity to Pain. Hindi siya nakakaramdam ng kahit anong sakit — maging pisikal o emosyonal. At hindi rin alam ni Tasha kung paano ang umibig.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hanggang sa makilala niya si Ngongo (Jerald Napoles), isang lalakeng may cleft palate. Si Ngongo ang magiging daan para makaramdam si Tasha, lalo na ang saya at sakit ng pag-ibig. At magkasama sila sa isang adventure na hindi nila makakalimutan.

Anyway, nakakaloka ang mga eksena ni Kim na nakatuwad siya, nakasuot ng superhero costume, at marami pang iba.

Pero, sa totoo lang, napakasuwerte ni Kim, na ang dami ngang gustong maging bida, pero sa kanya nabibigay ang lahat ng mga kaaliw na movie. Kaya walang katapusan ang pasasalamat niya sa Viva dahil sa tiwala na binibigay sa kanya.

Anway, ang ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’ ay mapapanood simula June 11 sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV, Cignal PPV at Vivamax. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.