Una sa Balita

Kim selos to death sa lampungan nina Xian at Nathalie

By
0 1,343

Ano kaya ang mararamdaman ni Kim Chiu kapag napanood niya ang pelikula ng kanyang ‘dyowa’ na si Xian Lim na Sin Island? Lalo na kapag nakita niya ang mga eksenang lampungan nina Xian at Nathalie Hart na mukhang parehong bigay na bigay sa kanilang bed scene.

Aandar kaya ang kanyang insecurities bilang isang babae? Magseselos kaya siya kay Nathalie na isang sexy actress at walang kiyeme sa ‘kangkangan’ sa pelikula? Ito na kaya ang pagsisimula ng kanilang tampuhang matindi? O, baka naman naikuwento na ito sa kanya ni Xian at in-assure siya na wala namang nangyaring hindi maganda during and after ng shoot.

Well, base sa trailer, nakakaelya nga ang love scene nina Xian at Nathalie, pero knowing na ito ay produce ng Star Cinema, expected na ang bawat anggulo nito ay nasa tamang konteksto. Artistic kumbaga, at hindi babuyan.