Una sa Balita

Kim, Ryan tinanggihang makasama ni Annabelle

0 2,320

Mabuti na lang at ginawang ‘Da’ at hindi ‘The’ ang title ng horror-comedy movie nina Kim Chui at Ryan Bang under Star Cinema, ang Da One That Ghost Away, or else, pareho sana ang acronym nila ng The One That Got Away series ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Max Collins, Rhian Ramos at Dennis Trillo, huh!

Dahil ‘Da’ nga ang dapat ay ‘The’ ng nasabing pelikula, kaya DOTGA ang acronym nila at hindi TOTGA na katulad ng romantic-comedy series ng Kapuso network.

But still, dahil magkatunog nga ang titles ng dalawang proyektong ‘yon, kapag nababanggit ang Da One That Ghost Away ay naaalala ang The One That Got Away and vice versa, ‘noh?!

Anyway, marami ang naaaliw sa tambalan nina Kim at Ryan sa DOTGA kaya may mga nagsa-suggest na pagtambalin din ang dalawa sa isang romantic-comedy series ng ABS-CBN.

Teka! Kung mag-click nga ang tamabalan ng dalawa sa DOTGA at mabigyan sila ng isang TV series, hindi kaya magtagal na ang team-up nila at maging love team na sila at tuluyan nang mabura sa eksena ang rumored-boyfriend ni Kim na si Xian Lim?

Nang lumipat kasi si Xian sa pangangalaga ng Viva Artist Center at kahit sinabi pa ng binata na magiging loyal Kapamilya siya, parang bigla namang nanahimik na ang love team nila ng rumored-girlfriend niya, huh!

Speaking of DOTGA, nakatanggap ako ng tawag mula sa line-producer ng pelikula na si Lea Calmerin. Nag-inquire siya para sa availability ni Annabelle Rama for a possible cameo sa Kim-Ryan movie.

Nakakaaliw ang role sana ni Bisaya na ikinuwento sa akin ni Lea, pero nag-decline si Bisaya dahil medyo mataba raw siya ngayon.

Feeling ko naman, mas gusto na lang muna ni Bisaya na maging busy sa kanyang mga anak at mga apo, kaya hindi niya type na nasa limelight.

In fairness, kapag may mga nag-i-inquire nga at gusto siyang i-guest sa TV, palaging tumatanggi ang Gutierrez matriarch, huh!

Ogie pinaulanan ng regalo si Regine

Mukhang surviving ang Home Sweetie Home, ang sitcom sa ABS-CBN na iniwan ni John Lloyd Cruz dahil gusto nga niyang mamahinga muna sa showbiz. Noong una kasi, may bulung-bulungan na baka hanggang April na lang ‘yon, pero mukhang mas nag-improve pa ang kanilang ratings.

Ngayon nga, parang nakasanayan na ng mga tao na sina Piolo Pascual at Ogie Alcasid na ang kasama roon ng bidang si Toni Gonzaga. Okey rin ang dating ni Rufa Mae Quinto bilang support, huh!

Anyway, kahapon ay nag-taping na naman ang Home Sweetie Home at ang aga pa lang ay naka-make-up na na pambabae si Ogie. Dalawa kasi ang characters ni Ogie sa sitcom na ‘yon, si Ireneo at si Irenea.

Kuwento sa akin ni Ogie, damit na mula sa wardrobe department ng Kapamilya network ang ginagamit niya sa taping ng kanilang sitcom, pero ‘yung bags pa rin daw ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid ang ‘props’ niya bilang si Irenea.

Si Regine naman, natutuwa lang na bags nga niya ang gamit-gamit ng kanyang mister, pero siyempre, iniingatan din naman ni Ogie ‘yon dahil hindi rin naman biro ang presyo ng mga ’yon, huh!

Ang iba sa bags na ‘yon ay si Ogie ang nagregalo kay Regine at ang iba naman, mismong ang Asia’s Songbird na ang bumili. Yes, mahilig sa bags and shoes si Regine, kaya hindi ako magtataka kung sa birthday niya ay bags and shoes ang ibigay sa kanya ni Ogie, huh! Bags and shoes as in plural ang isinulat ko dahil very generous si Ogie, huh!

Last week nga, nang magkaroon sila ng corporate show together, dumaan pa si Ogie sa mall at binilhan ng gift ang kanyang wifey.

“Malapit na kasi ang birthday ni Reg,” sey sa akin ni Ogie.

Sa April 22 ang birthday ng misis ni Ogie at sa April 23 ang punta nila sa Boracay para sa birthday vacation ni Regine.