Una sa Balita

Kim papatayin sa kilig ni Xian ngayong V-day

By
0 3,170

Gusto ni Xian Lim na isang grand surprise treat ang ibigay niya kay Kim Chiu ngayong Valentine’s Day, pero ayaw pa niyang i-reveal ito. Pinag-iisipan pa raw niya, pero hindi puwedeng wala kasi nakasanayan na nila itong dalawa.

Ang pinaka-memorable surprise niya kay Kim ay noong buong araw silang magkasama, na sumakay sila sa hot-air balloon, at nag-go-kart racing. Talagang super-enjoy silang dalawa sa experience nilang ito.

‘Yun ang gustong talbugan ni Xian, kaya planado niya ang lahat na kahit isang hint ay wala si Kim kung ano ito.

Definitely hindi ito outside the country dahil busy siya sa pag-promote ng movie niya with Coleen Garcia, ang Sin Island, pero sisiguraduhin niya na hindi ito repetition sa kung anumang surprise ang ginawa niya sa kanyang labidabs.

For sure, mamamatay-matay sa kilig si Chinita Princess sa eksena ni Xian ngayon.

Abangan!