Una sa Balita

Kim pag-aagawan nina Dennis, JC

By
0 724

Kilala si Kim Chiu bilang sweet girl sa industriya ng showbiz. Kilala siya bilang lea­ding lady nina Gerald Anderson at Xian Lim.

Karamihan sa mga ginagampanan ni Kim ay pa-sweet
love story, minsan ay horror at heavy drama.

Kaya, isang malaking pasabog ang pagbibida niya sa pelikula ng Regal Entertainment, ang “One Great Love” sa direksyon ni Eric Quizon na kumpirmadong pasok sa Metro Manila Film Festival 2018.

Gaganap si Kim bilang isang mature na babae na mai-involve sa love triangle.

Sa ipinalabas na trailer, nakita kung gaano nag-level up ang pagganap ni Kim Chiu, ang mainit na pakikipagtambalan niya kina Dennis Trillo at JC De Vera.

Unang beses pa lamang ni Kim na bibida sa kakaibang role at makakatambal ang dalawa kung kaya’t kaabang-abang talaga ang magiging resulta lalo’t tila marami ang makaka-relate sa inilatag na istorya.

Ayon sa screenwriter ng One Great Love na si Manay Gina, may apat na phase ang istorya — being in love, staying in love, letting go and finding one self. Original na istorya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy