Una sa Balita

Kim nilampaso si Barretto, mga fan nagbunyi

0 426

Nagbunyi ang Team Red na pinangunahan ni Kim Chiu dahil wagi nga sila sa Star Magic All-Star Game 2019 ­volleyball sa score na 25 (Red) at 21 (Blue).

Kasamang lumaban ni Kim para sa Team Red sina ­Chienna Filomeno, Vivoree Esclito, ­Nikki Valdez, Yasmyne Suarez, Ysa ­Jimenez, Dalia Verde, Analain Lim, at ang professional volleyball­ player na si Jia Morado.­

All smiles pa rin naman ang Team Blue sa ­pagtatapos ng laban na ­pinangunahan nga ni Julia Barretto ­kasama sina Loisa Andalio, Gretchen Ho, Carly Hernandez, Ella San Andres­, Arabella del Rosario, ­Aiyanna ­Waggoner, Pamu Pamorada at ­Catherine Gallo.

Anyway, bago pa man magsimula ang mainit na tapatan sa volleyball ng mga ­naturang personalidad, nagbahagi sila ng suporta sa isa’t isa sa ­pamamagitan ng kanilang mga social media account. Naging cool lang din ang kamayan ng dalawang team bago pa man simulan ang laban.

Pero siyempre, nagbunyi rin ang mga galit na galit kay Julia, ha! ‘Di ba nga, bago pa man nagsimula ang laban, ang dami na agad nagsuporta kay Kim na gusto nilang ilampaso nila ang team ni Julia. Nadamay pa tuloy ang mga iba. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy