Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kim natuwa sa paglayas ni Salvador sa Dos

0 519

Positibo ang naging response sa pamamaalam ni Maja Salvador sa pagiging isang Kapamilya niya sa pamamagitan ng Instagram.

Kinumpirma na nga nito ang mga balitang isa siya sa mga bitbit ng Star Magic Boss na si Johnny Manahan papuntang TV5.

Makakasama si Maja, along with Piolo Pascual, Alex Gonzaga at iba pa sa binubuong blocktimer na noontime show ng TV5. Na most likely, sa direksiyon at prodyus din ni Mr. M.

Si Julia Barretto ay nag-comment nang, “I support you.” Heart emoticon naman sina Kim Chiu, Alex Gonzaga, Marjorie Barretto.

Napa- “Majesty!” naman si Rayver Cruz at all-out ang suporta ng boyfriend niya na si Rambo Nunez at ina nito na si Marilen Nunez.

Jak nagsaya nang iwanan ni Barbie

Talagang hanggang ngayon, kabado pa rin si Barbie Forteza sa napiling hobby ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto.

Aminado si Barbie na nagiging diskusyon nila ni Jak ang pagmo-motor nito. Kinakabahan si Barbie kapag nagmo-motor ang boyfriend. Normal lang naman din yung takot ni Barbie dahil sa rami ng mga aksidenteng related sa motor.

Sa ngayon ay naka-lock in taping si Barbie para sa pagre-resume ng kanilang GMA Telebabad na “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.”

Itinag naman ni Jak kay Barbie ang video niya habang nakasakay ng motor na tila pagpapaalam na rin nito at pagsasabing malaya siyang gawin ito ngayon. Aniya, “When the cat’s away, the mice will play. This is how I play.”

Natatawang sinagot ito ni Barbie nang, “Happy ka? Nagamit mo na rin finally ang caption na yan?”

In fairness sa dalawang Kapuso stars, ilang taon na rin na going stronger talaga ang relasyon nila.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.