Una sa Balita

Kim naospital sa Australia

By
0 921

abante-i-know-better-jun-nardoIsinugod sa ospital si Kim Chiu the night bago siya suma­lang sa kanyang production number sa show ng kanyang network sa Sydney, Australia.

Ipinakita ni Chinita Princess sa kanyang Instagram story ang braso niyang naka-dextrose habang nasa ospital na October 20, 2018 ang date.

Sa caption niya sa video ng production dance number, nakasaad ang, “Eyes still swollen, still on drugs high with all the…but the show must go on!”

Kahit nakainom na ng gamot ang bida ng Regal movie na One Great Love, lutang pa rin ang pakiramdam niya. “Thank you Papa God for guiding me!” saad pa ni Kim.

***

‘AlDub kami hanggang sa huling hininga’

Mga lola nagdarasal ng Alden, Maine movie

Nagsuguran nang maaga ang AlDub Nation sa SMX Convention Center para sa inorganisang event kaya naman trending agad sa Twitter ang hashtag na #ADNHomecoming2018.

Nakasaad sa hashtag ang mga kaganapan bago nagsimula ang event. Kahit wala pang linaw ang pagsasamahang projects, patuloy pa rin silang nakakapit-kamay na didinggin ang prayers nila.

Sa tweet ng isang netizen (@bipolarlindsey), nakita niya ang mga senior citizen na nasa event at tinanong kung bakit nasa event sila. Tugon ng mga lolas, “For the love of AlDub. Di maalis sa buhay namin ang AlDub, buhay namin ‘yon. Habambuhay nandito kami para sa aldub.”

“Mapapagod lang kayo ng kakasermon pero never kaming aalis. Andito kami hanggang sa hu­ling hininga namin. Matira matibay sa pamilyang to @aldenrichards02 @mainedcm sukuan nyo man kami pero hindi kami susuko. #ADNHomeco­ming2018,” – Maiden Marinduque Chapter.

Kaisa naman ang GMA Pinoy TV sa mahala­gang araw na ito sa AlDub.

“Today is #ADNHomecoming 2018! We are one with you in celebrating another milestone for AlDub Nation! We hope you guys have fun.”

Ngayong October 24 ang selebrasyon ng Ang Tamang Panahon na ginanap sa Philippine Arena na breaking records sa attendance and sa Twitter world, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy