Una sa Balita

Kim nangangamoy best actress sa MMFF

By
0 706

Na-touch sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa naging gesture ni Kim Chiu nang magprisinta itong bayaran ang rights ng napili nitong theme song ng Regal Films MMFF entry na One Great Love.

“Dating Tayo” na inawit ni TJ Monteverde ang napiling song ni Kim mula sa pagka-dami-dami raw na possible songs na puwede niyang pagpi­lian.

“Iba kasi ang feel nu’ng song. Masaya lang ako na very open sila sa mga suggestions ko,” sey ng chinita actress.

But of course hindi ito pinayagan ng Regal Films dahil bilang producer, sila raw ang may obligasyon sa mga ganu’ng bagay.

“Pero nakakatuwa ang ganu’ng gesture, ‘di ba? Bihira sa mga artista ang talagang ini-involve ang sarili sa buong production,” sey pa ni Roselle na very positive sa feedback ng entry nila this year sa MMFF.

In fact, si Kim Chiu nga ang pinu-push nila na mag-uwi ng Best Actress award dahil kakaiba umano ang husay ng aktres sa movie na pinagbibidahan din nina Dennis Trillo at JC de Vera, sa direksyon ni Eric Quizon.

Xian, Kim wala pang bathtub moment

Still on Kim and her much talked about “bathtub scene” with JC sa said film, nais lang daw nitong ipakita ang kanyang “versatility” as an actress lalo pa’t hindi na rin naman siya bata.

Kaya nang biruin namin ito sa tila pagiging mapangahas niya, pabiro rin ang sagot nitong kaya nga raw ni-reveal na niyang meron na siyang boyfriend.

Para nga raw hindi na isipin ng mga tao na wala siyang alam sa mga bagay-bagay na ginagawa ng mga nagmamahalan.
“Pero hindi pa naman gaya nu’ng mga eksena namin sa bathtub ha. Slight pa lang,” sabay hagikhik.

Well, since inamin nga ni Kim na si Xian Lim ang kanyang boyfriend sa nga­yon, naitanong tuloy rito kung may permiso ba ng aktor ang kanyang mga “da­ring scenes” kina Dennis at JC sa movie?

“Of course. Alam naman niya and he understood,” pakli ni Kim na hindi na umamin kung sino sa dalawang leading men ang masarap humalik at yumakap.

“Magkaiba, dahil sa movie, magkaiba ang level ng love nila,” susog nito.

 

Vice Ganda iginiit na hindi basura ang ‘Fantastica’

Naniniwala naman si Vice Ganda na hindi na siya maba-bash ng mga detractor niya na madalas bansagang “basura” ang brand ng kanyang comedy.

Sa grand media con ng Fantastica, ang kanyang pambato sa MMFF this year, sinabi ni Vice Ganda na mas higit nilang pinaghandaan ang kuwento at mga eksena ng pelikula at dahil first time niyang ma-handle ng direktor nitong si Barry Gonzales, “nakakahiya namang hindi ito pagbuhusan ng atensyon,” sey nito.

Sa bilang na 16 na “named performers” na bumubuo sa pelikula, ipinangako ni Vice Ganda na isa na ito sa kanyang pinaka-maganda, masaya at very positive movies na nagawa.

Bukod sa siniguro niyang ma­ging leading men na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, kinuha niya ang tatlo sa malalakas na young love teams — sina Maymay at Edward, Donny at Kisses at Ronnie-Loisa, plus ang mga paborito niyang sina Ryan Bang, mga comedian na sina Chokolate, MC at Lassy, Juliana Poriskova, with Bela Padilla at Jaclyn Jose.

“This time, very positive akong higit nila itong ma-e-enjoy at magugustuhan,” hirit pa ni Vice na umaasang tatabo at magiging number one sa takilya ang entry nila.

Since day one pa lang daw ay siniguro na nila ‘yun kaya naman more than triple daw ang effort ng lahat para hindi sila mapahiya sa audience.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy